Actions

Work Header

Loving You in Lowercase

Chapter 2: Pleasant Poison

Summary:

One simple suggestion, countless emotions.

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

“Ang init omg naman!” Reklamo ni Sunoo as they walked inside the building. Bumungad sa kanila ang init at haba ng pila sa elevator.

 

“Nyover naman sa dami ng tao, naych.” Sunoo said as they fell in line. His things were carried by Heeseung who looked so annoyed, agad naman itong napansin ni Sunoo at medyo kinabahan siya dahil baka sa kaniya naiinis si Heeseung.

 

“Told you, dapat hindi mo na ako hinatid.” Sunoo said as he turned to face Heeseung.

 

“Ang haba ng pila oh, ang init pa-”

 

“I'm not annoyed with you, I'm annoyed because that girl is literally giving you dirty looks.” Heeseung said while looking at someone, Sunoo frowned at sinundan ang tingin ni Heeseung. 

 

“Uy, hayaan mo na! Baka kasi type ka.” Sunoo just shrugged before turning to look at Heeseung again who's looking at him already.

 

“Who fucking cares?” Heeseung cussed sharply, he's literally annoyed dahil wala namang ginagawang masama si Sunoo pero kung maka tingin ‘yung tatlo babae ay parang malaking atraso na ang ginawa ni Sunoo sa kanila.

 

When Sunoo heard him cussing, parang may kumaliti sa puso ni Sunoo. Gustong-gusto ni Sunoo kapag nagmumura si Heeseung, bukod sa ang pogi niya tignan— minsan lang ito mag mura kapag sobrang naiinis o nagagalit na.

 

“Oh ayan na, umaandar na.” Sunoo changed the topic when he noticed na umusad na ang pila sa elevator.

 

“Wait po! omg, dali! pasok!” Mabilis niyang hinatak si Heeseung, magsasara na kasi ‘yung elevator at kasya pa naman sa dalawa. 

 

The elevator is packed with people, para silang sardinas na nasa lata at hindi pa nakatulong ang paghinto nito sa isang floor dahil pinilit pa ng isa na pumasok. It made Heeseung move closer to Sunoo, while Sunoo is literally leaning on the wall— kumbaga dead end na kapag umurong pa sa kaniya si Heeseung. Pigil na pigil sa paghinga si Sunoo dahil sa sobrang lapit ng mukha nito, pilit niyang inaalis ang tingin at tumitingin sa numbers ng elevator.

 

It stopped sa 6th floor, may dalawang lumabas pero may tatlong pumasok. Malilikot ang pagpasok nila at pinilit talaga na isiksik ang sarili and they accidentally pushed Heeseung. Kung hindi naka ilag ang mukha ni Sunoo, baka na halikan na niya ito ng wala sa oras. Ang pwesto ngayon ng ulo ni Sunoo ay nasa kanan habang ang kay Heeseung ay nasa kaliwa ni Sunoo, sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa. 

 

“Sorry…” Heeseung said as he breathed on Sunoo's neck, it made Sunoo feel dizzy. Amoy na amoy ni Sunoo ang pabango ni Heeseung, halos mabaliw siya when Heeseung grabbed his waist to balance himself.

 

Tangina, tangina talaga huhu jusko po!

 

Finally, after a few minutes , the elevator stopped at the 10th floor kung saan ‘yung room ni Sunoo. Parang natanggalan ng lubid sa lalamunan si Sunoo nang nakalabas na sila, his face is still red habang naglalakad sila at paulit ulit sa utak niya ‘yung paglapit ng mukha ni Heeseung at ‘yung paghawak nito sa bewang niya.

 

“Do you have any agenda later after classes?”

 

“Wala naman, bakit?” Sunoo looked at Heeseung, his heart keeps hammering— nagdadasal na lang siya na sana hindi ito marinig ni Heeseung,

 

“Let’s hang out sa condo later.”

 

“Kasama sila Jay? Teka sabihan ko sila-“

 

“Don’t.” Heeseung quickly said before Suno can even pull his phone out of his pocket, agad naman siyang natigalan at napatitig kay Heeseung.

 

“Ha? Bakit?”

 

“They’re too loud.” 

 

“Ako rin naman!” Sunoo laughed, they both stopped sa tapat ng classroom ni Sunoo.

 

“Mas natotolerate ko ingay mo.” Heeseung smiled and Sunoo’s heart went crazy again, that smile always gets his heart. Parang anghel na nahulog si Heeseung kapag ngumingiti.

 

“E-ewan ko sa’yo! May favoritism ka talaga.” Kinuha naman agad ni Sunoo ang gamit niya agad, hindi na niya kinakaya ang mga salitang binibitawan ni Heeseung. Para bang alam ni Heeseung kung anong salita ang gagamitin para mabaliw nang ganito si Sunoo.

 

Heeseung just chuckled, he let Sunoo get his things sa kamay niya. Gusto pa sana siyang ihatid sa loob kaso alam niyang tatanggihan ito ni Sunoo dahil ayaw niyang dumedepende sa tulong ng tao.

 

“Sige na, pasok na. Hintayin na lang kita sa garden mamaya, good luck.”

 

“Okay, message kita after class.” Sunoo smiled at him, waving a goodbye— but Sunoo didn’t expect that Heeseung would pull him close, para yakapin siya nito nang biglaan. Ramdam niya ang init ng katawan ni Heeseung, amoy na amoy niya ang binata at sa oras na mga ganito, hindi niya alam kung sino ang santo na tatawagin niya. 

 

“Papansin ka talaga!” Sunoo said nang yakapin niya rin ito, maya maya ay bumitaw na rin sila sa isa’t isa. Nagpaalam na sa kaniya si Heeseung at agad agad na rin siyang pumasok sa classroom niya.

 

Pakiramdam ni Sunoo, para siyang mababaliw sa mga nangyayari ngayon, Gano’n naman ang trato sa kaniya ni Heeseung araw araw pero ngayon lang siya niyakap ng binata. Pati ‘yung nangyari sa elevator kanina ay paulit ulit na nagpapakita sa utak niya, minsan iniisip ni Sunoo kung ginamitan siya ng gayuma ni Heeseung kaya ganito siya kahina pagdating sa kaniya.

 

_____

 

After his classes, agad siyang nag message kay Heeseung na pababa na siya at naghihintay na lang ng elevator. And while he’s waiting, someone approached him.

 

“Sunoo! kamusta ka?” Sunoo looked at the girl and he remembers her, kasamahan niya ito sa media org dati before umalis ‘yung babae.

 

“Kit! Hi! Omg ngayon na lang ulit tayo nagkita.” Sunoo said before siya mag beso sa babae. Kit is his senior, 4th year Engineering student. Unang nakilala niya ito no’ng freshie siya, same program din sila dati pero lumipat si Kit from AB Communication to Engineering. Kit is the type of girl na habulin ng mga lalaki, punong puno ang desk at locker nito tuwing valentines. She’s also excellent in acads at talagang hindi ka na magtataka kung maraming nagkakagusto sa kaniya.

 

“Oo nga e! Nabusy na rin kasi ako sa plates.” Kit sighed and Sunoo just chuckled. Alam niya kung gaano ito kabusy dahil lagi niya itong nakikita sa LRC para gumawa ng plates.

 

“Pero uy, single ba ‘yung kasama mo kanina?” Biglang tanong ni Kit kaya naman nagulat si Sunoo. Knowing Kit, never pa ata ‘tong nagka interes sa lalaki dahil sobrang busy sa acads at sa kadahilanang wala siyang matipuhan aa university nila.

 

“Ha? Oo, bakit?”

 

“Wala, tipo ko ‘yung mga katulad niya.”

 

Sino nga bang hindi magkakagusto kay Heeseung.

 

“Ah, single ‘yon.” Sunoo just let out a little laugh. Alam niya kung saan papunta ‘tong usapan na ‘to, he knows na gagawin na naman siyang way para makilala ang kaniyang best friend.

 

“Okay, so p'wede ko siyang landiin?” Napakunot naman ng noo si sunoo pero agad niya itong pinalitan ng maliit na ngiti.

 

“Go lang.” Sunoo let out a little chuckle, he just want to leave her dahil hindi niya alam ang sasabihin niya pa. Parang naninikip ang kaniyang dibdib, alam niya ang tipo mi Heeseung at hindi imposibleng magustuhan nito si Kit.

 

“Ay una na ako, ate.” Madaling paalam ni Sunoo nang bumukas ang pinto ng elevator.

 

“Sige, ingat!” Ngumiti ito kay Sunoo bago magsara ang elevator. Napa hinga nang malalim si Sunoo pagkasara ng elevator, buti na lang at mag isa siya dito dahil gusto niyang umiyak sa bigat ng nararamdaman. 

 

He’s thinking the possibilities na magkagusto si Heeseung pabalik kay Kit, ino-overthink niya kung rereplyan kaya ni Heeseung si Kit once na mag dm ito sa kaniya, kung tatanggapin ni Heeseung ‘yung mga gifts na bibigay ni Kit kung sakali. 

 

Para siyang unti-unting dinudurog kapag ini-imagine niya na magkasama ang dalawa, natatakot din siya na mapalayo si Heeseung sa kaniya because of this.

 

Nang nakarating si Sunoo sa main building, agad siyang pumunta sa garden and he saw Heeseung manspreading while may nakatakip na panyo sa mukha nito— he’s leaning back sa upuan. 

 

“Nyover ka sa manspreading, naka naka.” He said as he walked towards Heeseung, mas mukhang pagod na pagod ngayon si Sunoo kaysa kanina. 

 

Muntik na akong mapaluhod sa harap niya, inis talaga. 

 

When Heeseung heard his voice, tinanggal nito ang panyo sa mukha and tumingin kay Sunoo. He eyed Sunoo up and down, he knows na drained na ito at gusto nang magpahinga.

 

“Come on, kanina pa ako naghihintay sa’yo.” He quickly got up from his seat, he carried his bag before agawin kay Sunoo ang mga dala nito. 

 

“Nag aaya sila Jay ng billiards but I told them marami pa tayong gagawin.” Heeseung said as they started to walk, exiting the university.

 

“Baka isipin nila nag sosolo tayo ah.”

 

“Didn’t know may utak pala sila.” Sunoo slapped his arm slightly, earning a laugh from him.

 

“Gago ka talaga, neng.” Heeseung just laughed, buti na lang malapit lang ang parking lot kaya hindi sila mabababad sa init ng araw. Nang makarting sila sa parking lot, agad na pinakbuksan ni Heeseung ng pintuan si Sunoo— guiding him inside his car. Sunoo muttered “thanks” and waited for Heeseung na makapasok sa driver’s seat.

 

“Kamusta na plates mo?” He asked Heeseung, knowing na sagaran ang pasahan nito para sa plates niya.

 

“I’m almost done, our prof extended the deadline kanina so it’s all good.”

 

“Wow? Ang sipag ha.”

 

“I know you’ll miss me kapag naging busy ako nang sobra.” Heeseung winked at him before starting the engine. Sunoo just rolled his eyes to hide his fluttered state, walang araw na hindi natataranta ang puso niya dahil sa lalaking kasama niya ngayon.

 

Nang balutin sila ng katahimikan sa loob ng sasakyan, biglang bumalik ang isipin ni Sunoo tungkol kay Kit. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ito kay Heeseung o dapat na itago na lang niya.

 

Ang sama ko naman kung itatago ko, it sounds so selfish.

Never nagtago ng kahit ano si Sunoo kay Heeseung dahil alam niyang ayaw na ayaw ni Heeseung na nagtatago si Sunoo sa kaniya. He wants to be there with Sunoo kahit anong mangyari kaya gusto niya na nagsasabi sa kaniya si Sunoo. Ngayon lang siya nagtago ng ganito kay Heeseung kaya maingat siya kapag kasama ang binata.

 

Ano ba ‘tong pinapasok ko, bobo talaga.

 

_____

 

After arriving sa condo ni Heeseung, he laid on the couch quickly since he’s literally so drained. Sobrang hetic ang schedule nila this term at dahil malapit na ang finals nila, dagdag pa ang mga gawain sa org na kailangan niyang tapusin. Sunoo is so passionate when it comes to the things he enjoys, kahit napapagod na siya ay hindi niya pa rin ito susukuan. 

 

“Ba’t hindi ka kasi magbawas ng org? magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo.” Heeseung says as he prepares the snacks on the table in front of Sunoo, hindi siya pumayag na kumilos pa si Sunoo dahil pagkakita pa lang dito sa entrance ay parang bibigay na ang katawan.

 

“I’m too attached sa orgs ko, besides, i feel happy naman sa ginagawa ko.” Bumangon si Sunoo para abutin ang remote sa table at buksan ang tv. Heeseung sat beside him, closely. Sunoo felt his heart rises again as he felt Heeseung beside him.

 

“Nga pala…”

 

Should I tell him? kainis naman.

 

“Hmm?”

 

“May nagkakagusto sa’yo.” Sunoo studied his expressions but he couldn’t read Heeseung’s face, gusto sanang sabihin ni Sunoo na eme eme lang ‘yon pero hindi niya kayang mag sinungaling, especially kay Heeseung.

 

“Oh? Who?” 

 

He’s interested…

 

“Ate Kit from Engineering, 4th year siya.” Sunoo said as he turned his gaze away from Heeseung the moment na tumingin ito sa kaniya.

 

“Oh her?”

 

“Kilala mo?”

 

“Yeah, she’s annoying as hell.” Napakunot si Sunoo ng noo.

 

“Nakita mo na siya? Like naka sama personally?” He looks so confused on why did Kit talked about Heeseung na parang hindi niya ito kilala. 

 

“Yeah? First term pa ako niyan ginugulo. She keeps on putting love letters and shits sa locker ko and tuwing nagkakasalubong kami niyan, her friends are pushing her towards sa’kin.” Halatang halata ang pagka inis ni Heeseung habang nagkekwento, hindi ito nakwento ni Heeseung sa kaniya noon kaya naman sobrang litong lito siya.

 

“Ay gano’n, siguro kaya sinabi niya sa’kin kanina dahil akala niya siguro may something tayo.” Sunoo said as he shrugged, para siyang mabubulunan sa mga nalalaman. Kinuha niya ang kapeng ginawa ni Heeseung, siya lang ang nakakakuha ng tamang lasa ng kape ni Sunoo.

 

“Please, do act like we do, yeah? Ayokong maka interact na naman ‘yan.” Halos mabuga ni Sunoo ang kape niya, dagdag pa ang titig sa kaniya ni Heeseung. 

 

“Tarantada ka ba?! Bakit ako?”

 

“Bakit hindi?” Gustong batuhin ni Sunoo si Heeseung ng hawak niyang baso dahil sa mga naiisip nito. He’s not sure if nasa tamang pag iisip ang kaibigan niya.

 

“Gago, seryoso ka ba?” Paninigurado ulit Sunoo.

 

“I'm down if you're down.” Heeseung said casually and seriously, na parang nag aaya lang siya na makipag bilyaran.

 

Lord, I'm not your strongest soldier!

 

Halos hindi makapag salita si Sunoo, hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Pakiramdam niya ay parang mauutal siya the moment na magsalita siya.

 

“Enah moh talaga!” Binato ni Sunoo ng unan si Heeseung at tumawa lang ito.

 

“So kapag nandiyan siya, tsaka lang tayo maglalandian?” 

 

“No, I think we should do it kahit wala siya… to make people believe na may something tayo.” Gustong sumabog ni Sunoo, iniisip niya pa lang ‘yung possible scenarios na p'wedeng mangyari— para siyang hihimatayin.

 

He knew how dangerous this set up is, kaso hindi niya naman matanggihan si Heeseung since talagang seryoso ito sa ino-offer niya. Alam niyang mumurahin siya ni Jake at Jungwon once na malaman nila itong agreement na ‘to.

 

“Okay, okay. Goewch.”

 

“Thanks, I know hindi mo ako matitiis.” Heeseung smirked as he scooted closer to Sunoo, he laid his head on Sunoo's shoulder. Naramdaman naman ni Sunoo na uminit ‘yung pisingi niya, napapakagat na lang siya ng dila sa daming nangyayari.

 

“Whatever, ayus-ayusin mo lang! Kapag ako sinugod ng fan girls mo, sisirain ko drafting table mo.” Sunoo scoffed as he let Heeseung wrapped his arm around his waist, pumikit pa ito at alam ni Sunoo na makakatulog ang binata na ganito ang pwesto.

 

“I won’t let someone hurt you.” Heeseung looked at him after he said that before closing his eyes again. 

 

Putangina, I'm so so so fucking fucked up.

 

Sunoo sighed mentally, his gaze stayed on Heeseung’s face as the guy let himself rest sa tabi ng best friend niya. 

 

He knew from the start simula noong magka-feelings siya kay Heeseung, magiging down bad na down bad siya sa best friend niya. No matter how much he tried to focus on other things, Heeseung’s presence was always there, making his thoughts spin. Every glance, every word, every little movement left him both excited and terrified. And the worst (or best) part? He couldn’t imagine life without feeling this way whenever Heeseung was around.

 

 

Notes:

Fun fact: favorite part ko ‘yung pag aya ni heeseung ng fake dating kay sunoo because i literally took his dialogue doon sa ss ng convo nung anek ko HAHAHAHAHHAH I’M SO TANGA RIGHT

Anw, thank you so much to everyone who read and waited for this chapter! I really hope you enjoyed it and had fun following Sunoo and Heeseung’s story. I’m so grateful for all of your support. I can’t wait to share the next part with you! 💌